Samu't Sari...

Thursday, April 14, 2005

it's (officially) positive!

this would be a short post:

i (including my excited husband james) just wanna announce that i'm 4-5 weeks pregnant! im so happy that i cant put together my words right now.

details to follow. :)

Thursday, March 31, 2005

ako'y nagbabalik...

medyo matagal din akong nawala pero heto ako ngayon--nagbabalik!

Ang isusulat ko ay hindi kagandahang balita. Ito ay tungkol sa nangyari sa trabaho noong nakaraang Lunes (Marso 28, 2005). Hindi ko (pati na ang iba pang mga 32 na co-workers ko) alam na huling araw na pala naming pagtatrabaho sa araw na iyon. Napakabilis ng mga pangyayari. Isa isa kaming (33 most junior hired employees) pinatawag sa lunchroom. Ng makita namin ang Production Manager pati na ang mga HR personnels, alam naming heto na yong bulung-bulungan sa nakalipas na 2 linggo. Ang rumor na lay-off ay totoo pala. Tanggap ko naman ang pangyayari (though temporary lay-off lang daw) pero mukhang napakabilis yata. Wala man lang warning. Though naiintindihan ko naman ang policy ng kumpanya ( pharmacuetical company kasi) na baka kung anong gawin ng mga empleyado, nakakaupset pa rin na wala man lang pasabi. Lalo na sa mga Pinoy na tulad ko na bago din dito sa Canada at hindi sanay sa mga sitwasyon na gaya ng lay-off.

Well, life must go on ikaw nga. Habang naghihintay ng recall, gusto ko sanang subukang mag-aral. Siguro short course/s related sa natapos ko sa Philippines. Or maghanap na ng ibang trabaho. Pwede rin akong mag part time (atmost 20 hours a week) para atleast mataggap ko pa rin yong employment insurance. Sayang din yong binayad ko sa contribution kung hindi ko maeenjoy! :D

Sa ngayon, andito lang ako sa bahay, nagpapahinga at nagmumunimuni... makakapagcross stitch na naman ako. mahaharap ko na ang magscrapbook (hopefully)...at malamang magiging active na naman ang online life ko. =)

Monday, March 07, 2005

Pagkain Pinoy...

Bilang isang Pinay at 9 na buwan pa lang nawawalay sa kanyang Inang Bayan, hanggang ngayon hinahanap hanap ko pa rin ang pagkaing pinoy. Nagpapasalamat na lamang ako at kahit papaano may mga Pilipino convenience stores din dito sa winnipeg. Atleast nakakabili pa rin ako ng chippy, lucky me la paz batchoy, cheez ring, sardinas, at kung anu-ano pa.

Natututo na rin akong magluto ng adobo, pancit, arrozcaldo, sinigang, menudo, tocino, sopas, palabok, lumpiang shanghai, etc. Hindi katulad ng dati na andyan palagi si mommy na masarap magluto. Ngayon na malayo na ako sa kanila, kailangan kong magluto para hindi kami magutom ng asawa ko (pati na ang FIL and BIL ko. ngek!).

Marami akong collection ng mga ibat ibang recipe pero hanggang sa simpleng recipe pa lang mga niluluto ko. Pilit kong inaalala kung anu ano yong mga simple pero masasarap na inihahain ni mommy. At pag nde ako kuntento, tinatawagan ko pa sya para lang makasigurado.

Kung walang time naman para magluto, meron din nagtitinda dito ng mga lutong ulam. Aliw di ba?! Heto pa, sa trabaho, kanya kanyang raket ang mga katrabaho ko. May nagtitinda ng tinapa, buko pie, atchara, relyenong bangus, at suman. Kahit medyo may kamahalan, sige pa rin sa pagbili makatikim lang ng mga pagkaing nakasayan at pinakaasam-asam.

Monday, February 28, 2005

wrong car...

nakakatawa noong sabado ng hapon. nag-ot kasi ako from 3pm-11pm. hinatid ako ng aking asawa. bago pumunta ng trabaho, dumaan kami sa 7-11 para bumili ng drinks. nagparada sya sa tabi ng papaalis na van. ako lang ang pumasok at ng paglabas ko nagmamadali akong sumakay pero opppssss teka bakit may mga gamit sa back seat. tapos ala asawa ko..saan sya pumunta? bubuksan ko na ang pintuan ng marealize ko maling sasakyan pala. paano naman pareho ng kulay (pero magkaiba ng brand), tapos nde ako tumitingin. yon pala pagkaalis ng van may nagparadang sasakyan sa tabi ng sasakyan namin. nakakatawa talaga. buti na lang nasa loob pa ng 7--11 yong may-ari. at buti nde ako napagkamalang miyembro ng bukas-kotse gang. napapangiti na lang asawa ko. kaya next time hindi na ako susugod kung kanino kaninong sasakyan. =)

anyway, ibang topic naman tayo. how's my (our) weekend? gaya ng sabi ko nag-ot ako noong sabado.. kaya nde ko nagawa yong ibang household chores ko. nakapaglinis ako ng konti, at nakapaggrocery din kami kahapon. pero yong paglalaba, asawa ko ang gumawa. pati yong pagtupi ng damit. pag-aayos na lang sa closet ang gagawin ko mamaya. ganun naman talaga ang mag-asawa, nagtutulungan. kung hindi magawa ng isa, dapat kumilos yong isa. naayos ko na rin mga ipapadala para sa family ko. nakapagsimba din kami kahapon. yong pagbabayad ng bill sa thursday na siguro, sa biyernes pa naman ang due date. more or less ok naman ang weekend naming mag-asawa. nakakain kami sa isang chinese restaurant at nakapanood din kami ng dvd (The Forgotten). im happy and contented <3

Friday, February 25, 2005

Biyernes na naman...

ang bilis talaga ng araw. parang kelan lang eh lunes - unang araw sa trabaho. tapos ngayon weekend na agad. makakapagpahinga ng konti. konti lang kasi mga household chores naman ang dapat asikasuhin gaya ng paglilinis, grocery, pagluluto, paglalaba (kasama na ang pagtupi, pag-ayos ng mga damit sa closet).

bukod sa mga yan, aasikasuhin ko rin pala ngayong weekend ang mga dapat kong ipadala para sa family ko sa baguio. may uuwi kasing kaibigan. isasama ko na rin yong mga litrato namin ni james na kuha sa ibat ibang okasyon at lugar para naman malaman nila ang kalagayan namin dito. kahit kasi nakakapag usap kami sa telepono iba pa rin syempre yong pictures.

tapos pupunta din pala kami sa bangko para bayaran ang mga bills.

magsisimba.

sana makapasyal kami ng konti sa mall at makakain sa labas para naman magkaroon ng social life. ahihihihi!

at higit sa lahat bumawi ng tulog... ZzzZzZZzzzzz...

speaking of tulog, makatulog na nga muna para maumpisahan na ang labahin maya-maya =)

Have A Great Weekend Everyone! <3

Monday, February 21, 2005

snow everywhere...

ganito po ang buhay sa winnipeg...walang katapusang snow. saan man dumako ang paningin tiyak na snow ang makikita. kahapon lang ay nag-snow ulit. kala ng lahat malapit na ang spring. mananatiling akala na lang pala yon. mga 3 linggo rin kasing hindi nag-snow. ang kagandahan pag nag-i-snow nde ganun kalamigan (-10 to -15 lang naman, ngek!) kumpara pag katatapos mag-snow.

ang temperature po kasi dito ay inaabot ng -40 to -45 (gaya nung dec at jan). masayang masaya na ang mga tao pag bumaba ng -15. ako nga tuwang tuwa na pag -20 (pababa) ang lamig. nakakairita na rin kasi ang magsuot ng makakapal na jacket. at talaga naman pong balot na balot mula ulo hanggang paa. as in doble doble pa. kaya pala nde nakapagtatakang ang mga tao dito ay sabik na sabik sa summer.

sana nga spring na... =)

Monday, February 14, 2005

Araw ng mga Puso...

Maligayang Araw ng mga Puso sa lahat!

Paano nga ba nating pinagdiriwang ang Valentine's? Ito ba ay naipapadama sa pagbibigay ng bulaklak? ng regalo? pagkain sa mamahaling restaurant? pagpasyal sa mga park? simpleng pagbati ng "happy valintines" sa mga mahal natin sa buhay? o parang isang ordinaryong araw na---walang lang...!?

Ito ba ay para lang sa mga magkasintahan? mag-asawa? madalas yan ang unang pumapasok sa isip ng karamihan---na ito ay para sa mga magkakapareha. Pero wag nating kaligtaan na ito ay para sa lahat... Magmahalan po tayong lahat hindi lang sa araw na ito kundi araw-araw! <3<3<3

Ganito po naming pinagdiwang ang Valentine's Day:

Pareho kaming may trabaho ng aking asawa ngayong araw na ito. kaya napagkasunduan namin gawin na lang naming linggo(feb 13) ang aming "date" na matatawag. Nagsimba kami, nanood ng sine, kumain sa McDo at naggrocery. ahihihi!! though ganito kami tuwing weekend--magsisimba, kakain sa labas, paminsan-minsan manonood ng sine, mamamasyal sa mall at maggogrocery...masasabi kong especial pa rin ang Araw ng Puso hindi lang sa amin kundi para sa lahat. ika nga "love is in the air" at talaga naman pong nakakagaan ng pakiramdam pagmasdan ang mga mag-aasawa/magkakapareha, buong mag-anak, magkakaibigan sa mall, sa sinehan, at kung saan-saan mang lugar.

Kagabi , tinawagan ko rin ang aking ina para batiin sya ng Happy Valentine's Day!

Sa trabaho naman nakakatuwa kasi may mga nagbibigay ng mga heart-shaped candies.

At mamayang hapon pagdating ng aking asawa galing trabaho may iaabot ako sa kanyang valentines card na naglalaman ng...

Sweetheart,So many things in my life are better because I share them with you... With every day that goes by and every night that we share, you become even more special and important to me. Happy Valentine's Day! I Love You!

Kayo, paano nyo pinagdiwang ang araw ng mga puso? =)